Powered by RND

PAULINES

Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
PAULINES
Latest episode

Available Episodes

5 of 2727
  • Walking with the Saints l Feast of St. John Baptist of La Salle, Patron Saint of All teachers l April 7
    Walking with the Saints l Feast of St. John Baptist of La Salle, Patron Saint of All teachers l April 7   Today we shall bring to you the story of the “Patron Saint of Teachers.” He was a French priest and the founder of the Institute of the Brothers of the Christian Schools. This Institute run schools and is now very popular in the field of education in many countries. St. John Baptist De La Salle. He is referred to as De La Salle or La Salle, and his company is called the Christian Brothers or LaSallian. Our saint was born in Reims, France to a noble and wealthy family on April 30, 1651. His parents, being devout Catholics, offered him and his brothers to the service of God, so he was tonsured at the age of eleven, in a ceremony common during that time. When he was sixteen, he was named canon of the Reims Cathedral and the following year he received the minor Orders. He pursued higher studies and after completing his classical, literary and philosophical studies, he entered the Seminary of Saint-Sulpice on October 18, 1670. In 1672, he became a subdeacon and on April 9, 1678 at age 26, he was ordained a priest. Two years later, he received a doctorate in theology. De La Salle dedicated his life to the education of poor children in France. He first worked to help the teachers who lacked training, purpose, and leadership. In 1680, he invited a group of them to take their meals in his home, taught them good manners and inspired them in their work. Then, he invited them to live in his home, a move that disturbed and scandalized his relatives and friends. When his home was lost in a lawsuit, he rented a house and brought the teachers with him. He resigned his work in the parish and devoted his full attention to the training of teachers and establishing schools. Afterwards, he founded a religious institute, the Institute of the Brothers of Christian Schools, the first among religious groups consisting only of Brothers and no priests. This enterprise was opposed by many ecclesiastical authorities and even by educational establishments.  Nevertheless, he pursued his plan, with the purpose of educating the “children of artisans and the poor,” while teaching them about the Catholic faith. The Institute was soon recognized by the Church. In 1685, he founded in Reims, France the first normal school, a school whose goal is to train teachers. De La Salle took up the cause of educating the poor seriously. By the time of his death, the Christian Brothers have founded schools in 22 cities in France. He also contributed much to the entire field of education through his writings and new teaching methodology. The LaSallian tradition believed that all God’s children, particularly the young, have an inherent dignity, being created in the image of God and education is the means of developing this dignity for the sake of the students and of society. They believe that “… not only is God so good as to have created us, but desires all of us to come to the knowledge of the truth.” This, in fact is the vision and achievement of John Baptist De La Salle. In 1719, due to vigorous labor, De La Salle got sick and died at Saint Yon, Rouen, France, three weeks before his 68th birthday. It was on a Good Friday. Pope Leo XIII canonized him on May 24, 1900. On May 15,1950, Pope Pius XII proclaimed him Patron Saint of All Teachers. His feast day is April 7, the day of his death. In 2021 the International LaSallian Mission Web site stated that the LaSallian Order consists of about 3,000 Brothers, who help in running over 1,100 education centers in 80 countries with more than a million students, together with 90,000 teachers and lay associates.  Virtue: piety, humility, courage, charity, perseverance, integrity, generosity and excellence  Prayer: Pray, St. John Baptist De La Salle, that today’s youth may cherish the knowledge about God including virtues and moral discipline.”
    --------  
    5:29
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint Arsenius, the Great, Patron Saints of Jesuits and Franciscan | July 19
    Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint Arsenius, the Great, Patron Saints of Jesuits and Franciscan | July 19        I have always something to repent after having talked, but have never been sorry for having been silent.” These words came from St. Arsenius of Rome, who was known to be always quiet and prayerful. He was a Roman tutor who became a hermit in Egypt and his teachings influenced greatly the development of asceticism and the contemplative life. Arsenius was born in Rome to a noble family in 350. After the death of his parents, his sister entered the cloister and he, after distributing all their property to the poor, was recommended by the pope to be the tutor of the two sons of Emperor Theodosius I, of Constantinople since he knew Greek literature, was wise, and righteous. Arriving at the Emperor’s palace, he was introduced to a life of extravagance and luxury, but he was never happy about it. While praying one day, he said: “O God, teach me how to be saved.” And God’s answer was in the Gospel he was then reading. Seeking for eternal salvation, he left Constantinople and went to the desert to become a monk. When he presented himself to the father of the monks, he was put under the care of St. John the Dwarf. St. John treated him with indifference and seeming aversion, to test him, but he did not react negatively. Instead he remained humble and quiet, so he was accepted at once. Arsenius desired for greater solitude. St. John allowed him to live in a hidden cave in the desert. He never visited his friends nor was available to receive visitors. He requested his disciples to entertain whoever wanted to see him. He only met other people when he attended spiritual conferences. Asked why he avoided company, he answered: “God knows how dearly I love you all; but I cannot be both with God and with men at the same time; nor can I think of leaving God to converse with men.” In 434 the tribesmen from Libya raided the monasteries and hermitages and Arsenius was forced to go to Troe and spent some time in the island of Canopus. He spent the next fifteen years wandering in the wilderness. He was always prayerful and did not allow his work to diminish his time for prayer. When his former pupil became the Roman Emperor, he wanted to employ Arsenius, but they could not find him.  After a long search, they found him, but he refused to return to the court and did not accept any work, not even to distribute the alms for the poor and the neighboring monasteries. Arsenius loved poverty. He refused the rich legacy his relative gave to him. He was also inclined to shed tears in reparation for the life he had before becoming a monk so that when he was already old his eyelashes were worn out. As he was dying he was also in great tears but he died in great peace, full of faith in the year 445 at the age of 95. Today, two of his important writings are still extant: a guideline for monastic life, and a commentary on the Gospel of Luke. There is also a compilation of many spiritual sayings attributed to him. His contemporaries admired him greatly and surnamed him THE GREAT.       Virtue: piety, humility, detachment, temperance, charity, commitment, perseverance and patience. Prayer: “St. Arsenius, help us to shun the riches of the world and love God above al things.”
    --------  
    4:29
  • Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes
    Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy naming walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.     Pagninilay: Sa pagmamadali kong umuwi, nakalimutan ko ang pangako ko sa aking pamangkin. Pagdating sa bahay ng aking kapatid, patakbong yumakap ang pamangkin ko at tuwang-tuwang nagtanong – “Uncle, where is my donut?” Naku, halos matunaw ako sa hiya dahil wala akong dalang donut. Sabi ko na lang sorry at bukas ko na lang bibilhin kasi nalimutan ni uncle. Laking gulat ko nang ngumiti ang aking pamangkin at niyakap akong muli, sabay sabing, “It’s OK uncle. But tomorrow it’s already 2 boxes”.  Mga kapanalig, sa Mabuting balita ngayon, nagmamadali si Maria upang dalawin si Elisabet na kanyang pinsan. Nagmamadali sapagkat dala-dala niya ang Mabuting Balita sa kanyang sinapupunan. Hindi niya ito makakalimutan sapagkat napakalaki at kagila-gilalas ito, na tiyak na ikamamangha ni Elisabet, na nakaranas din ng himala sa kanyang pagdadalang-tao. Pareho ang dumalaw at dinadalaw na may pasalubong sa bawat isa. Pareho nilang tangan sa kanilang puso at sinapupunan ang Mabuting Balita, at ang tinig na maghahanda ng daan para sa Mabuting Balita. Parehong nanalig sa kapangyarihan ng Diyos at naging bahagi sa plano ng kaligtasan ng sanlibutan, ang magpinsan. Sa kanilang pakiki-isa at pagtugon sa Diyos nasimulan ang daan sa pangakong kaligtasan. Kapanalig, Paanyaya ito sa atin na makiisa at magmadali rin sa pagbabahagi ng Mabuting balita sa ating kapwa, na naghihintay marinig ang tinig at plano ng Diyos sa buhay nila. Nawa’y huwag nating malimutan ang tunay at nakasasabik na pasalubong para sa kanyang bayan – ang wagas na pagmamahal at walang hanggang awa at biyaya ng Diyos. Amen.  
    --------  
    5:08
  • Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes
    Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Juana ng Arco Ebanghelyo: MARCOS 10:46-52 Dumating si Hesus sa Jerico, at pag-alis n’ya roon kasama ng kanyang mga alagad at ng marami pang tao, may isang bulag na pulubi na nakaupo sa tabing-daan-- si Bartimeo, na anak ni Timeo. Nang marinig niya na si Hesus na taga-Nazaret ang dumaraan, nagsimula siyang sumigaw: “Kaawaan mo ako, Jesus, anak ni David.” Pinagsabihan siyang tumahimik ng mga tao pero lalo lamang niyang nilakasan ang kanyang sigaw: “Panginoon, anak ni David, maawa ka sa akin!” Huminto naman si Hesus at sinabi: “Tawagin n'yo siya.” “Lakasan mo ang iyong loob at tumindig ka. Tinatawag ka nga niya.” Inihagis nito ang kanyang balabal at paluksong lumapit kay Hesus. Kinausap ito ni Hesus at sinabi: “Ano ang gusto mong gawin ko?” “Ginoo, makakita sana ako.” “Sige, ang iyong pananalig ang nagligtas sa iyo.” Agad s’yang nakakita at sumunod s’ya kay Hesus sa daan.   Pagninilay: Itinalaga ni Papa Francisco ang taong ito na Taon ng Panalangin bilang paghahanda sa dakilang Jubileo sa 2025. Paano ba dapat manalangin? Isang napakagandang halimbawa ng panalangin ang ebanghelyo ngayon. Hindi lamang sumigaw si Bartimeo upang humingi ng tulong kay Kristo nang may matibay na pananampalataya. Aktibo rin niya siyang hinanap sa pamamagitan ng pagbangon at paglapit sa kanya. Matiyaga at patuloy siyang tumawag kay Hesus na kinilala niya bilang Mesiyas, kahit na pinigilan siya ng iba. Buong tiwala niyang sinabi kay Kristo na gusto niyang makakita, at dininig ng Panginoon ang kanyang hiling. Nagsimulang makakita si Bartimeo, at natanggap rin niya ang dakilang biyayang makita ang mukha ni Kristo. Kay Bartimeo, matututunan natin ang mga katangian ng panalangin: Una, ito ay simple at mapagkumbaba – kinikilala ang kahinaan at kakulangan, at idinudulog ito sa Panginoon nang walang maraming palabok na salita. Ikalawa, may matibay itong pananampalataya. Ikatlo, punumpuno ito ng pag-asa na nag-udyok kay Bartimeo upang bumangon at lumapit kay Jesus. Ika-apat, paulit-ulit at matiyaga niyang sinambit ang kanyang pagsusumamo, kahit na pinigilan siya ng iba. Para kay Santa Teresita ng Lisieux: “Ang panalangin ay silakbo ng puso; ito’y isang simpleng tingin sa langit, isang sigaw ng pagkilala at ng pag-ibig, na yumayakap ng pagsubok man o kagalakan.” Kapanalig dasal tayo Ha.  
    --------  
    3:59
  • Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules
    Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10:32-45 Sa paglakad ng mga alagad paahon sa Jerusalem, nanguna si Hesus at nagtaka sila. Natakot naman ang mga kasunod nila. Muli niyang isinama ang Labindalawa at habang nasa daan ay sinimulan niyang sabihin sa kanila ang mga sasapitin niya: “Tingnan ninyo, papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga Punong-pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanya ng kamatayan. Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano. Pagtatawanan nila siya, luluraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit babangon siya pagkatapos ng tatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus sina Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo, at sinabi sa kanya: “Guro, gusto sana naming gawin mo ang hihingin namin sa iyo.” “Ano ang gusto n'yong gawin ko?” “Ipagkaloob mo sa amin sa iyong kaluwalhatian na maupo ang isa sa amin sa kanan mo, at ang isa naman sa kaliwa mo.” “Talagang hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Maiinom ba ninyo ang kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin?” “Kaya namin.” “Totoong iinom din kayo sa kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin. Ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Inihanda ito para sa iba.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila kina Jaime at Juan. Kaya tinawag sila ni Hesus, at sinabi sa kanila: “Nalalaman ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Huwag namang ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo, ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”       Pagninilay: Sa ating Ebanghelyo ngayon, hiniling nina apostol Santiago at Juan na maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus kung sakaling maghahari na siya sa mundo. Tanda ito na hindi pa nila lubusang naiintindihan kung anong klaseng paghahari ang gagawin ni Hesus sa mundo. Maghahari si Hesus sa mundo sa pamamagitan ng paglilingkod nang may pagpapakumbaba. Mag-aalay siya ng kanyang buhay alang-alang sa kapakanan ng kanyang pinaglilingkuran. Ang tunay na paglilingkod ay may pagsasakripisyo ng sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba. Minsan kailangan nating pag-isapan ang mga praktikal na katanungan gaya ng: Hindi kaya magaling, may kakayanan, at mas naka-aangat ako sa buhay ay dahil mas malaki ang responsibilidad kong tumulong at maglingkod sa iba? Hindi kaya mas maraming biyaya ang aking natatanggap dahil mas malaki ang aking oportunidad at responsibilidad na tumulong sa mga nangangailangan? — Ito marahil ang ibig sabihin ni Hesus sa ating Gospel: “Ang pinakadakila sa inyo ay dapat matutong maglingkod sa inyo.” Sa huling yugto ng ating buhay, walang paunahan sa Muling Pagkabuhay. Diyos ang huhusga sa atin, kung nararapat tayong magkamit ng biyaya ng Muling Pagkabuhay. Ang sukatan ng Diyos ay kung gaano tayo nagmahal—ibig sabihin kung gaano natin pinahalagahan ang isa’t isa, at hindi kung gaano kadami ang nalalaman natin at nakamit nating tagumpay sa buhay. Ganyan tayo nakikiisa sa plano ng Diyos kooperasyon, hindi kompetisyon. Manalangin tayo: O Hesus, inalay mo ang iyong sarili upang ako’y maligtas mula sa kasalanan. Turuan mo akong makapaglingkod din sa iba nang may pagpapakumbaba. Amen.  
    --------  
    4:50

More Religion & Spirituality podcasts

About PAULINES

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul
Podcast website

Listen to PAULINES, The Confessionals and many other podcasts from around the world with the radio.net app

Get the free radio.net app

  • Stations and podcasts to bookmark
  • Stream via Wi-Fi or Bluetooth
  • Supports Carplay & Android Auto
  • Many other app features
Social
v7.17.1 | © 2007-2025 radio.de GmbH
Generated: 5/12/2025 - 11:57:35 AM